Y ✪ A ✪ N ✪ E
3-5-13 . 0 NOTES . REBLOG

Day 124: have you ever had feelings for someone who was seeing someone else

Yes! It feels sad and it happens most of the time :/

1-5-13 . 1 NOTES . REBLOG

Surprise Birthday celebration for Lau!

Yey! Successful ang surprise birthday celebration namin para kay Lau. Actually biglaan ‘to, kakatext lang sakin nung friend ko na isurprise daw namin si lau, nasa eskwelahan pa ko nun, umuwi talaga ako para dito. So ayun matagumpay, ang saya saya, ang sarap nga ng pagkain namin eh. Nung una dapat sa eco-park pero nalipat ang venue to ariane’s house. Ang alam lang talaga ni Lau is magkikita sila ni ariane para ibigay ang gift nya at para magdate silang dalawa. Kaya nung sinurprise namin sya, SOBRANG SAYA NYA na maluha luha na sya, kasi akala nya this is her worst birthday ever kasi ang dami nyang problema. Kaya sana kahit papano sumaya ka ngayong birthday mo. Mga nakasama: Ariane, Peter, Phillip, Cruz, Daniel, Elivn at Lau :D

Photo of the birthday celebrant with a piece of her cake taken by yours truly.

30-4-13 . 1 NOTES . REBLOG

Hindi ko alam. Pero nakakamiss ka rin pala, kahit na palagi tayong naglolokohan pag magkausap tayo, kahit na palaging parang wala tayong matinong usapan although parang wala nga naman talaga HAHAHA. Halos taon na rin pala nakalipas, masarap balik balikan yung hihingi ka sakin ng payo tungkol sa kinababaliwan mong babae at ako magbibigay naman ng payo pero may halong loko palagi, yung palaging asaran na napupunta sa tulugan pag hating gabi na, na minsan tinatawagan mo pa ko at nanay ko pa ang nakasagot ang epic nun HAHAHA. Yung kinekwentuhan kita tungkol sa mga alam ko sa crush mo  at todo kilig ka naman. Yung times na kinekwentuhan din kita tungkol sa EPIC moment nun. Mga times na nagkakasundo tayo sa mga bagay nawalang kakwenta kwenta, lalo na yung tayong dalawa lang nakakaalam. Yung mga pangarap mo na ang layo sa katotohanan at pilit mo kong pinapaniwala na magiging ganun ka. Marami din akong nalaman na mga bagong quotes at word of wisdom sa lokong to. Itong taong to ang hirap basahin, hindi mo alam kung kailan seryoso kasi puro loko. Tapos nung binigyan mo ko ng remembrance bigla tayong nag-away tayo lang nakakaalam mukang timang, sinabi ko sayo na tinapon ko yung binigay mo pero ang totoo nagsinungaling ako, napaniwala kita na tinapon ko nga yun at binigyan mo ko ng kapalit ang saya saya haha ayaw mo pa kasi ako bigyan nung una kasi sabi mo mahal yun, kung naaalala mo kung ano dahilan bat ako nagalit kasi sinabihan mo ako ng “paasa”. after nun bati na edi ayun naging back to normal ulit, yung araw araw na magkausap pero paulit ulit halos lang ang topic. Naalala ko pa nung nagkasakit ako, ginamot mo ako na parang albularyo hinawakan mo ko sa ulo at kung ano anong ritwal ang sinabi mo na ikaw lang nakaintindi, epic langya. Nakakamiss kasi itong kaibigan kong ‘to, sya yung taong hindi mapuna, yung hahayaan lang yung taong ganun kasi ganun nga, yung tipong “wala akong magagawa ganyan sya eh”. palagi kasi ‘tong positive, ngiti ng ngiti, tawa ng tawa, mejo insecure nga lang sya sa sarili nya kasi hindi daw sya photogenic, marami kasing may ayaw sa kanya, pero marami rin ang nagkakagusto sa kanya, maraming nakakamisunderstood sa kanya. Kasi ako rin naman, parang ganun lang din, hahayaan ko yung tao kung ganun sya, ganun sya eh, sa sarili ko na lang yun kung may naiisip akong kakaiba sa kanya, kaya siguro kami naging close kasi parehas kami sa side na yun. ngayon bihira na lang paramdaman, halos wala na nga, mejo sari-sariling buhay na kumbaga, sigurado akong ok na ok ang buhay kolehiyo nung mokong na yun ngayon, always positive yun eh. Ang dami, ang dami ko pang gustong sabihin, kaso masyado na ‘tong mahaba, wala lang naalala ko lang yung mga times na yun. Saya magkaroon ng kaibigan na tulad nya XD

30-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

My hair is soo long na. I need a haircut I guess.

27-4-13 . 432 NOTES . REBLOG

Part of the SOM movie posters. [x][x]

27-4-13 . 1 NOTES . REBLOG

:3

27-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

Bibirit lang si baby C:

27-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

Equilibrium

Natatandaan mo pa ba yung lesson about sa science? yung equilibrium. Yung kailangan balance, balance lahat.

Parang sa buhay lang natin. Hindi palaging puro saya, hindi palaging puro ngiti. Dadating at dadating parin ang kalungkutan, iexpect mo na yun kasi nga kailangan balance. Dahil pag wala ang isa, hindi tayo matututo, kailangan maexperience natin parehas o lahat para alam natin kung paano natin mapanghahawakan ang bawat isa. 

26-4-13 . 1 NOTES . REBLOG
21-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

ummm nga nga

21-4-13 . 1 NOTES . REBLOG

The feeling you get when you successfully talk to your crush. OOOOH LALA~

21-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

WOOT!! MACHO!! See You!!! <3 

13-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

Unexpected Happiness

April 9, 2013

Para mas exciting ang bonding namin, gumawa si peter ng laro.

Isa sa mga games ito, TALONG, kailangan lamugin, gustong gusto ni julius yan hahaha joke!

tug-of-war ang saya saya ng game na to “MALAKAS KASI KAMI” 

Mga nakasama. Moi. Cruz. Lau. Camz. Ariane. Kim. Regi. Elvin. Tyron. Julius. Macco. Pj. Kristiene. Monde. Bert. Philip. Carlo. Anne. Jessica. Kuya Guil.

Spin the bottle. Eto astig!

at ang favorite kong picture para sa araw na ‘to! XD

Ang saya lang na, we still make time to bond with each other, kahit busy na, nasisingit pa rin. Sana next time kumpleto na tayo. 

Bakit unexpected happiness? Kasi nga unexpected, ang dami mong nalaman, ang daming nagbago, ang daming nashare na naishshare lang talaga dun sa mga kaibigan mo which is dito nga sa agui na nagdulot ng happiness na may tiwala sa isa’t isa para magkwento ka ng buhay mo. Ang gandang isipin na nagmature na nga kami, yung wala ng masyadong comment sa mga ganito ganyan, iniintindi na agad kumbaga. Yung tipong tinatawanan na lang namin yung mga immature na mga pangyayari nung High School pa lang kami, ang daming thoughts, ang daming laughter. Kaya di ko talaga maiwasang maikwento tong mga kaibigan kong to sa mga college friends ko ngayon kasi iba talaga kayo, iba talaga ang happiness na naidudulot nyo sakin, sa atin. Salamat!

Wag kayo, May planong part 2 pa to ngayong summer, this time I think makakasama na halos lahat ;D

13-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

Sinai Youth Camp 2013

Sinai Youth Camp at Philip’s Sanctuary. Antipolo, Rizal

Feb 15-17, 2013 

with my co-freshies in UST XD 

memorable ang araw na ito kasi isa ako sa mga napili na makasama dito ng libre kasi mabait ako hahaha joke, di ko rin alam bat ako napili. Pero so happy na nagkaroon ako ng mga bagong friends because of this camp, like sa iba’t ibang course. Ang dami naming activities. Kumbaga namuhay ng simple, walang internet, walang signal ang cellphone, magluto kayo ng sarili nyo, recollection, worship, just living a simple life in this period of time.

from commerce… (where I belong)

Mass.. (credits for the pic)

and yeah with my tribe mates (c)

The Tribe of Benjamin!

sila mga bago ko ring friends from different colleges. From Accountancy, Engineering, Rehabilitation Science, Tourism and Hospitality Management, Nursing, Pharmacy, Conservatory of Music, Architecture and Commerce. Si Joshua,si ate Happee yung facilitator namin hehe, Si bayn, si Aly, si Liana, si Abi, si Ysha, si Alan, si Zelle, si Maiza, si carlos, sorry can’t remember yung name nung nakasalamin.


Ang saya saya ng araw na to, kahit papaano nagkaroon ka ng pagkakataon na wag muna isipin yung mga problema mo kumbaga, instant peace of mind.

10-4-13 . 0 NOTES . REBLOG

Ayan, may salamin na ko. HAHAHA bagay ba?